Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano makapaniwala ang aktres na si Sue Ramirez na nakasama siya sa cast ng upcoming TV series na "Iron Heart" na pagbibidahan ng aktor na si Richard Gutierrez at eere na sa Lunes, Nobyembre 14 sa Kapamilya network mula sa Star Creatives.
Abot-langit ang pasasalamat ng dalaga dahil leading lady siya rito ni Richard na hindi naman ito napag-usapan sa ginanap na mediacon ng "Iron Heart" kamakailan. Nabanggit lang kung ano ang karakter niya.
"Nakakaloka talaga hindi ko ini-expect sa buong buhay ko na habang pinapanood ko ang mga pelikula ni Richard Gutierrez dati noong bata pa ako na makakatambal ko siya kahit kailan. At heto na nga po, I'm very, very grateful. He's such a gentleman sobrang bait po talaga ni Chard and sobrang tutok talaga niya dito sa project na ito at talagang kaabang-abang kaya sana suportahan at panoorin po ninyo ang Iron Heart," saad ni Sue.
At kahit sobrang busy ni Sue ay hindi pa rin niya nakakalimutan na may boyfriend siyang naghihintay sa kanya sa Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez bilang mayor.
"Lilipad po ako don (Sabado). Of course we have all our priorities and the people that we love understand those priorities that come with loving us.
"And I understand how Javi he does and he does with me also, so, it's the right balance lang talaga that we really needed and siyempre communication and time for each other is very important also," saad ng dalaga.