DYARYO TIRADA

Ivana Alawi, may pa-challenge sa ukay

Cheriel Lazo

Nagsagawa ng ukay challenge ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi kasama ang kanyang ina at nakatatandang kapatid.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng dalaga na noon pa man ay bumibili na siya sa mga ukay-ukay at bago pa magpandemya ay talagang suki sila ng kanyang ina sa mga ito.

"Fun fact, mahilig na mahilig ang nanay ko sa ukay-ukay. Dati, feeling ko mga 4 years ago, kapag nawawala 'yung nanay ko tapos hindi namin mahanap, alam na namin na nasa ukay-ukay siya," sabi ni Ivana.

"Tambayan niya 'yun, doon niya gustong namimili at ako rin dati doon din namimili kasi ang ganda dati ng mga nahahanap ko, mga swertehan diba kapag maganda 'yung nakuha mo," dagdag pa niya.

Sa kanyang ukay challenge, sinabi ng dalaga na bukod sa puro shopping lang ang gagawin nila, limitado lang hanggang P1,000 ang dapat nilang mabili at may pa-premyo pa ang aktres ng halagang P50,000 para sa may pinakamagandang outfit na nabili sa ukay-ukay

Ang magsisilbing judge sa challenge ay ang netizens na nanonood ng kanyang vlog sa pamamagitan ng pag-comment ng napili nilang panalo.

"Ayan guys mamili na kayo, sabihin niyo kung aling outfit ang pipiliin mo," sabi pa ni Ivana.

Mapapanood sa Youtube video na nag-enjoy mamili ang tatlo at tuwang-tuwa din sila dahil naka 70% off ang ukay-ukay.

Habang ang isinuot ni Ivana ay isang long sleeves lace top na kita ang binili niyang bra, ripped jeans at LV na nude heels.

October 30 nang inupload ni Ivana ang video at as of this writing ay libo-libong netizens na ang nagco-comment at bumoboto.