DYARYO TIRADA

Barbie Imperial, sizzling sa costume

Cheriel Lazo

Sizzling ang dating ng aktres na si Barbie Imperial sa kanyang costume bilang "Bride of Chucky" para sa Halloween.

Nagpost ang dalaga ng mga larawan kung saan naka-costume siya at talaga namang umani ng maraming positibong komento ang dalaga sa kanyang IG.

At isa nga sa nabighani ay ang online personality na si Xian Gaza nang magkomento ito sa post ng dalaga.

Sa post kasi ni Barbie, nilagyan niya ito ng caption na, "Bride of Chucky for tonight's halloween party."

Nagkomento nga rito si Xian Gaza at ni-repost pa sa kanyang Facebook account ang pasabog na Holloween costume ni Barbie.

Hirit niya sa caption, "Halloween costume mo yan? Nakakatakot naman… baka ma-fall ako sa yo," saad ni Xian.

Kasunod nito, ipinost ni Xian ang sagot ni Barbie sa kanya. Makikita sa verified Facebook account ng dalaga ang reply niyang, "Go lang, saluhin kita."

Hirit naman ni Xian, "Nako naloko na!"

Kamakailan ay inamin ni Barbie na dyowa material naman para sa kanya si Xian Gaza. Ito'y kung hindi siya aawayin ng socmed influencer at kailangan lang daw patunayan ng binata ang kanyang sarili na karapat-dapat siyang maging partner. Hinamon din niya si Xian na padalhan siya ng private message.

"Hay, Xian Gaza, na-jojowain totropahin challenge ko na ito before at sinabi ko talaga na di ko siya jojowain. Ang sagot ko, no thank you. Pero ang akin naman, Xian palagi mo kasi akong inaaway. As in, kahit sinong madikit sa aking guys, kahit kaibigan ko lang talaga, ay iniisyu talaga sa akin. Tas ang ini-explain niya pa 'the more you hate the more you love' so ganyan po magmahal si Xian Gaza mga ka-Bie. And siguro, if hindi niya ako inaaway palagi bilang ma-effort itong si Xian grabe nagpapa-billboard nga ito eh. Nasa ibang bansa nga bumili ng flowers ibibigay niya daw sa akin pero siyempre hurting pa rin ako sa lahat ng ginawa mo sa akin," sabi ni Barbie.

"But kung hindi mo ako inaaway palagi, puwede kitang jowain. Pero for now, kailangan mo pang i-prove ang sarili mo. So pwede tayong maging tropa. PM ka lang sa akin," dagdag pa niya.