Talagang nagpamalas ng kakaibang aura ang aktres na si Denise Esteban sa psychological-thriller na "Kara Krus" ng Vivamax dahil ibang klase ang mga sex scenes niya kasama ang aktor na si Adrian Alandy.
Siguradong pag-uusapan na naman ang latest Vivamax Original movie na tumatalakay sa dalawang babaeng magkamukha ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali pero parehong malalagay sa panganib ang buhay.
Ayon naman sa aktor, first time niyang nakasama si Denise sa isang pelikula.
"First time ko to work with Denise and we play husband and wife in the story. When I met her on the set, I asked her how old is she and she said, 20. So I wondered kung bagay ba kami kasi I'm 42, so malaki ang age gap namin. But they say, hindi naman daw halata on screen, so sabi ko, sige, let's give it a go," sabi ni Adrian.
"Dapat maganda ang communication namin para makita nila on screen na we have good rapport in front of the camera. So nagkuwentuhan kami, I tried to know more about her, kasi it's important na we're comfortable with each other, lalo na when we're doing our sexy love scenes," dagdag niya.
Inamin ng aktor na na-challenge sila sa mga love scenes nila ni Denise.
"Kasi iba-ibang positions ang pina-attempt ni Direk GB Sampedro na gawin namin. Multiple camera set ups ang involved and after a while, sabi namin, hindi namin magawa yung ibang positions. Napakahirap talagang itawid," sabi pa ni Adrian.
Iikot ang kuwento ng "Kara Krus" kay Adela, isang butihing maybahay at ma masayang pamilya. Kasal siya kay Marvin na isang mabait at responsableng mister.
Ang "Kara Krus" ay mula sa direksyon ni GB Sampedro. Kasama rin dito sina Felix Roco at Allison Asistio. Mapapanood na ito sa darating na Nov. 4.