DYARYO TIRADA
Proteksyon, alok sa pamilya ni Percy Lapid
Inialok ng Commission on Human Rights ang sarili nitong Witness Protection Program sa mga miyembro ng pamilya ng radio commentator na si Percy Lapid, matapos nilang ibunyag na nakatanggap sila ng mga pagbabanta.
Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na kasama ang kaligtasan at seguridad ng pamilya Mabasa sa mga isyung tinalakay ng tanggapan kay Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, na isa ring mamamahayag.
Matatandaang nakipagpulong ang pamilya Mabasa sa CHR sa pangunguna nina Chairperson Richard Palpal-Latoc at Commissioner Beda Epres
Sa nasabing pulong,tiniyak ng CHR sa pamilya na gagawin nito ang kanilang makakaya upang tumulong sa pagtugon sa kaso.
Bukod sa CHR, nag-alok din ng proteksyon ang National Police sa pamilya.