Kabilang na rin ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa mga nakapagpatawad na sa kapwa vlogger at kaibigang si Zeinab Harake matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nito at ng talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino nitong nakaraan.
Ayon sa dalaga, mas pinili na niya ang magpatawad.
Matatandaang matapos ang rebelasyon ni Wilbert ay nag-live rin si Zeinab upang ipagtanggol ant sarili at linawin ang mga ibinatong paratang sa kanya.
Amin pa niya, bago pa ang kanyang Facebook live ay nag-reach out na siya sa mga taong involved para humingi ng tawad.
Sinabi niya na tumawag siya kay Ivana para mag-sorry.
Paglilinaw niya, nasabi niya ang nasa screenshot ni Wilbert matapos ang tampuhan nila kung saan na-unfollow siya ng aktres ngunit nagkaayos na raw sila at sinabi nitong naiintindihan siya nito at kilala nito ang tunay niyang ugali.
Bukod kina Ivana at Alex Gonzaga, mukhang napatawad na rin ng Kapamilya host na si Robi Domingo ang social media influencer na nag-sorry matapos siyang masabihan nito na "walang market."