Nilinaw ng aktres na si Bianca Umali at nobyo niyang si Ruru Madrid ang isyu kaugnay sa isang larawang nag-viral sa social media kung saan makikitang suot si Bianca na singsing at hawak ni Ruru ang kamay niya na may caption na: "I found the right one."
Ang nasabing larawan ang nagpasambulat sa mga haka-haka at tsismis na engaged na nga ang dalawa at ang ilan naman ay nag-iisip na malapit na silang ikasal.
Pero sa isang panayam, nilinaw ng dalawa na hindi engagement ang nangyari kundi isang teaser para sa isang upcoming teleserye nilang dalawa.
Ayon kay Bianca, matagal na raw ang photo na iyon na naka-store sa kanyang phone at inilabas daw niya iyon dahil perfect time daw dahil for the first time ay magtatambal sila ni Ruru sa isang teleserye na ang title ay The Write One.
Tungkol naman sa engagement issue, sey ni Ruru: "'Yun ang gusto naming i-clear. Wala pang gano'n."
Tungkol naman sa singsing sa daliri ni Bianca, paliwanag ng aktres na tatlong singsing daw iyon na pinagsama niya at sumisimbolo iyon sa love, hope, self-worth, and respect.
"Sa pinakababa 'yung may diamond pear shaped, it's a ring that came from Ruru. Second, 'yung may sapphire and blue diamond, that's the ring that I got for myself last year. The gold ring with the small diamond was an engagement ring of my mom. That symbolizes hope for me that she is with me always," sabi ni Bianca.