DYARYO TIRADA

Kat Alano, binabash pa rin

Joy Asagra

Hanggang ngayon pala ay marami pa rin ang bumabash sa dating model at VJ na si Kat Alano kaugnay sa kanyang mga post na may kaugnayan umano sa pinagdadaanang kaso ng aktor at TV host na si Vhong Navarro.

Walang binabanggit na pangalan si Kat sa sunud-sunod niyang post sa social media tungkol sa taong nanggahasa umano sa kanya, ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Pero ang hula nga ng mga netizen ay si Vhong ang tinutukoy nito dahil nga saktung-sakto raw ang pag-iingay nito sa socmed sa pagkakakulong ng TV host at comedian dahil sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Marami ang naghahamon kay Kat na kung talagang gusto niyang makamit ang hustisya sa ginawa sa kanya, magdemanda rin siya tulad ng ginawa ni Deniece at huwag lang sa socmed magsumbong.

Sabi naman ng dating VJ, bakit daw parang siya pa ang nasisisi ngayon sa ginagawa niyang paglaban sa karahasan. Aniya pa, sapat na raw para sa kanya ang pagsasalita at paglantad ng katotohanan.

"I can't explain how painful it has been to be treated like a bad person for speaking the truth," ang isa sa mga tweet ni Kat. "Also I can't believe that people can destroy others lives in the name of protecting a rapist. Who fixes the damage they've done to our reputation, livelihood?"

Ni-retweet din niya ang comment ng isang netizen tungkol sa kanya na matapang niyang sinagot.

"How dare you imply that courage only comes through filing. SPEAKING ALONE TAKES SO MUCH. I lost EVERYTHING. They made sure I was DESTROYED. Even though I used to work for them. They do this so you can't fight. Can't you see that," sabi ni Kat.

Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Kat patuloy pa rin ang nararanasan niyang "victim blaming" lalo na mula sa mga supporters ni Vhong na naniniwalang walang kasalanan ang komedyante.