Ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang kanyang workout routine ngayong nagdadalang-tao siya, pero marami ang nag-aalala na baka umano makasama o makaapekto sa pagbubuntis niya ang kanyang pag-e-exercise.
Pero ayon kay Iza, bahagi ito ng pagpapalakas niya para sa kanyang panganganak.
"STRONG MOMS GROW STRONG BABIES. During pregnancy, exercise can help you stay in shape and prepare for labor and delivery. For most pregnant women, at least 30 minutes of moderate-intensity exercise is recommended on most, if not all, days of the week. Strength training is OK, as long as you stick to relatively low weights. Yung tipong pwede pa kayo magusap at magtawanan. Gave her some safe workouts that would strengthen her body during pregnancy. Stay tuned for our pregnant workout flows!" ayon sa caption ng video ni Iza sa IG.
Maraming IG followers ni Iza ang nag-react at marami ang worried na baka makasama sa aktres ang exercise routines na kanyang ginawa, na baka nga makasama rin ito sa baby na nasa kanyang sinapupunan.