DYARYO TIRADA
Titser nakipagniig kay sir, nabisto ni mister
Lumalangitngit pa ang kama ng datnan ng mga operatiba ang isang titser at principal sa isang motel sa Cagayan de Oro City.
Ang kaso: si titser, pamilyado.
Ayon sa sundalong mister ng guro, matagal na siyang nagdududa na may kabalastugang ginagawa ang kanyang misis kaya nagpatulong siya sa kanyang mga kasamahan sa Army na mangalap ng intel.
Nang makatanggap ng impormasyon ang intelligence ay agad na nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek ang pulisya kung saan nahuli sa akto ang mga walang hiya.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga akusado ngunit desido naman ang biktima na sampahan ng kaukulang kaso ang dalawa.