KRIS BERNAL, TODO-WORKOUT

Matapos ang limang buwan, sumabak na muli sa pagwo-workout ang aktres na si Kris Bernal dahil hindi na umano siya nakakaramdam ng “early pregnancy symptoms,” gaya ng pagsusuka at sakit ng ulo.

Sa kanyang IG, ipinakita ng aktres ang isang video ng kanyang mga routines sa pag-eehersisyo.

“MY VERY FIRST WORKOUT in 5 months or since becoming pregnant. I can now manage to perform a low impact exercise now that the majority of my early pregnancy symptoms have started to clear up!” sabi ni Kris sa kanyang caption.

Naikuwento pa niya na naninibago siya ngayon, lalo na’t nararamdaman niya talaga ang pagbigat ng kanyang katawan.

“If you’ve been following me for a while, you know that I am a beast at the gym accustomed to heavy lifting and intense workouts,” saad ng aktres. “Body weight seems to have doubled and I could only manage a few repetitions. Nakakapanibago, parang hindi ako ‘to [laughing emoji] Lolsss!”

Nilinaw rin niya na bumalik siya sa pagwoworkout hindi para magpapayat, kundi para paghandaan ang kanyang panganganak.

“This is me trying to work out during pregnancy, not to lose the weight gain, but to prepare myself for labor and for life,” lahad niya sa post.

Maraming netizens naman ang napa-comment at napansin ang pagiging “blooming” ng aktres.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial