Nagpayo ang aktres na si Ina Raymundo sa kanyang mga anak na asikasuhin muna ang sarili at huwag ma-in love kaagad at huwag magmadali pagdating sa pag-ibig.
“Ang palagi kong sinasabi sa mga anak ko, ‘cos I have four daughters, you have to know your worth. Don’t settle for less, na huwag magmadali, marami diyan,” saad ni Ina sa isang panayam.
May limang anak sina Ina at asawa niyang si Brian Poturnak: sina Erika Rae, Jakob, Anika Sage, Minka Eve, at Mikaela Jade.
“Palagi ko pinapa-realize sa kanila na hindi dapat magseryoso sa ganitong age, dapat focus on friendship, focus on other things. Because if you think about it, you are so young. Generally speaking I always advise them to be smart, not to fall too hard for someone ‘coz they are young,” sabi ni Ina.
Dagdag niya, para sa lahat na rin ng mga kababaihan ang kaniyang payo na huwag gawing sentro ng kanilang mundo ang lovelife.
“And para sa lahat din ito, sa pamangkin ko or sa lahat ng mga kababaihan, na hindi talaga lovelife ang dapat sentro ng mundo mo, because you will just be disappointed kapag nilagay mo sa center ng mundo ‘yung lovelife,” sabi ng aktres.
“And the guys will feel it, the guys will feel kapag hindi ‘yun ‘yung priority mo mas manggigigil sila sa ‘yo. So ‘yun talaga wag niyong kalimutan ‘yung self worth mo na huwag magmadali, na wag ma-inlove nang husto because you are too young,” dagdag niya.
Naging usap-usapan noong nakaraang taon ang anak ni Ina na si Erika Rae dahil sa pagkakaugnay ng dalaga sa basketbolistang si Kobe Paras.
Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/
Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial