Marian Rivera, ready na

Ready na umano ang aktres na si Marian Rivera kung sakaling bibigyan pa sila ni Dingdong Dantes ng ikatlong baby at ayon sa kanya ay palagi niyang sinasabi na gusto talaga niya ng malaking pamilya kaya kung ilang anak ang ipagkakaloob sa kanila ni Lord ay iwe-welcome niya nang bonggang-bongga.

“Minsan talagang susubukan ka rin at sasabihin talaga ng Panginoon na siya talaga ang pinakamakapangyarihan kahit anong plano mo kung hindi ibibigay sa ‘yo, hindi. So kung anong plano ni Lord para sa amin kung bigyan kami ng pangatlong pagkakataon why not, hindi ba?” sabi ng aktres.

“Pero kung hindi (ibibigay), hindi na masama Tito Boy, meron akong Sixto ay Zia na super happy naman namin,” dagdag pa niya.

Samantala, nagpaliwanag din si Marian tungkol sa isyu ng selosan na hindi naman talaga nawawala kahit pa sa solid na solid na relasyon ng mag-asawa.

“Meron kaming heart-to-heart talk. Hindi ’yon nawawala sa amin at hindi nawawala sa amin ang date namin every month. Kailangan meron talaga kaming ganu’n. kailangang nag-uusap kami kung, ‘Anong problema, anong masaya, anong nangyari sa ’yo?’ Siguro in a relationship magandang open kayo sa isa’t isa. Ako, very vocal ako, e. Pag may nararamdaman ako, on the spot sasabihin ko sa kanya. ‘Ay, ayoko ito.’ ‘Ito ’yong nararamdaman ko.’ So, alam na n’ya kung paano i-handle. At si Dong kahit hindi s’ya magsalita, sa tagal ng pagsasama namin, nababasa ko na s’ya. So, alam ko kapag may problema s’ya, alam ko pag masaya s’ya. Palagi kaming… in a way, sensitive kami sa isa’t isa lalo na sa nararamdaman namin,” sabi ni Marian.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial