Heart Evangelista, hindi nagtataray

May mga kumakalat ngayon sa social media na parang pinagsabong sina Heart Evangelista at Alex Gonzaga sa post na may Twitter handle na @Ceopureliving.

May isang video kasi na nagpapakitang nagsasalita si Heart na may kaugnayan kung paano niya tinatrato ang mga tao.

“I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server or you know. I cannot, as in. for me, if I have a friend na hindi mabait sa waiter, ‘yung hindi man lang mag-thank you, ‘yung thank you, thank you, hindi ko appreciate ‘yung mga taong ganon kasi for me, ‘yun ‘yung sukatan ko kung mabait ka or kung okay ba ‘to? It’s how you treat people around you,” sabi ni Heart.

Mukhang pinagsasabong nga ng netizen sina Heart at Alex, considering her caption sa kanyang ipinost na video ni Heart na matagal na pala at hindi naman sagot sa ginawang pagpahid ni Alex ng cake sa noo ng isang waiter kamakailan lang.

Siyempre, umalma ang mga fans ni Heart.

“And Heart E. is known in the industry na maaga sa set (arrives before call time). Experienced this first-hand.”

“Sa vlog po ata ito ni Miss Heart hindi po siya about AG, stop pitting them against each other.”

“Mabait po talaga si ms heart pero di naman po para kay alex yan issue ka naman.”

“Opo, mabait po si ms. heart, in fact client po namin sya at lagi po siyang nagpapadala ng snacks and coffee sa mga employees, especially if it’s peak season ng work. Thank you po.”

“Mahal ng mga Sorsogonanon yan si Heart. kasi nung term ni Chiz, isa sya sa nagpa boost ng tourism sa Sorsogon, nagpaayos ng mga kalsada. She even visited one of the wet market here in Sorsogon while shooting her teleserye. nakipagkamay pa sya. mabait talaga. unang kita palang Tas ni resell niya pa Yung mga products ng sorsogon to help the artisans.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial