Geneva Cruz, may mensahe

Nagbigay ng isang mensahe ang singer-actress na si Geneva Cruz kay Kim Atienza para kanyang 56th birthday at sa kanyang IG, inalala ni Geneva ang ilang memorable bonding moments nila ni Kuya Kim kalakip ang mga litrato nila together.
Ayon sa aktres at singer, mula noon hanggang ngayon ay napanati nila ng TV host ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong pareho pa lang silang nag-i-start sa entertainment industry.

“Happy Birthday to my good friend @kuyakim_atienza! Mauuna na ko bumati kasi matutulog nako, friend.

“Haha! Maraming Salamat sa ating friendship… from our mini adventures aboard your classic Vespa around Manila in the ’90s to our chill nights at Stars with some friends…

“To my first ever trip to Boracay with my sis and cous where your strength was challenged a bit because you had to carry me at one point during the trip kasi akala ko kaya ko matalo yung mga pangalan sa board,” mensahe ni Geneva kay Kuya Kim.

Papuri at paglalarawan pa niya sa Kapuso TV host, “Always such a gentleman, super witty and mabait, hindi ka nagbago kahit super layo na ang narating mo.

“I am so happy you have such a fantastic woman and wonderful children by your side… you deserve all the good things and more,” dagdag pa ng aktres.

“Unfortunately, di ko makita yung Bora pics natin, papakita ko pa naman sana yung abs mo don para makagawa ako ng before and after photos mo, pero obviously, mas marami kang pandesal ngayon and that’s only because of how awesome of a human you are,” sabi pa ni Geneva.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial