Ava Mendez, hindi engaged

Nilinaw ng Vivamax sexy star na si Ava Mendez ang isyu kaugnay sa diumano’y engagement nila ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee.

Kung matatandaan, kumalat sa social media ang isang TikTok video kung saan makikitang mula sa pagkakaluhod ay tumayo si Skusta at masayang niyakap ang sexy star at naisip agad ng ilang mga netizens na nagpropose na umano ang rapper.

Ayon kay Ava, hindi totoo ang mga kumakalat na balita ukol sa “engagement” nila.

“Hindi po ako engaged… Naglaro po kami ng Pinoy Henyo. ‘Yun po ‘yon,” sabi ni Ava.

Dagdag pa niya, ang naturang video ay kuha noon sa naganap na Christmas Party ng Ex-Battalion kung saan naglalaro sila na mapapanood sa vlog ni Angelica Yap, kasintahan ng isa pang Ex-Battalion member na si Flow G.

“Nahulaan ni Darryl ‘yung nandoon sa ulo niya bago pa matapos ‘yung oras kaya nagtalunan kaming dalawa,” dagdag pa ni Ava.

Ang pinapahulahang salita raw ay sinigang ayon sa dalaga.

Bagamat wala pa ring direktang kumpirmasyon ay inamin naman ni Ava na “in love” siya kay Skusta Clee.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial