Marian Rivera, feeling sexy

Aminado ang aktres na si Marian Rivera na talagang feeling sexy siya kapag naglalambingan sila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na nagiging seksi ang kanyang pakiramdam sa tuwing hinahalikan daw ng kanyang asawa ang mga paa niya.

Sa isang bahagi ng programa ay naikuwento ng mama nina Xia at Sixto Dantes ang ilang mga kaganapan sa kanila ni Dingdong nang gawin nila ang Philippine adaptation ng Mexicanovela na “Marimar” noong 2007.

At kahit nga 16 years na ngayon ang nakararaan mula nang magbida sila sa “Marimar” ay tandang-tanda pa rin ng actress at TV host ang mga araw na hindi sila nagpapansinan ni Dingdong sa taping.

Pagbabalik-tanaw ni Marian, napikon daw siya sa sinabi noon ni Dong na pre-paid daw siguro ang cellphone niya dahil hindi siya sumasagot sa text.

“Medyo hindi kami magkasundo sa Marimar. Hindi kami nagpapansinan. Maldita kasi ako, e. Noong time ng Dyesebel [2008], nasabi niya sa akin, ‘Ang suplada mo naman. Tine-text kita, bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang?’ Nagalit talaga ako kasi yung totoo, naka-prepaid ako. E, nasa isla kami sa Palawan, so bumili ako ng maraming cards. Kapag wala na akong card (load), pumupunta ako sa dulo, nagkakaskas ako para mag-load. Kaya nu’ng sinabi niya na ‘Siguro, naka-prepaid ka…’ kasi totoo na naka-prepaid ako. Kaya sabi ko, kapag sumuweldo ako, after nito, magla-line na ako, kaya naka-line na ako noon after,” pag-alala pa ni Marian sa pagsisimula ng naging relasyon nila ni Dingdong bilang magka-loveteam.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial