Janine Gutierrez, tahimik pa rin

Hanggang ngayon ay wala pa ring promal na pahayag ang aktres na si Janine Gutierrez kaugnay sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktor na si Paulo Avelino.

Inamin naman ni Janine na isa si Paulo sa mga taong nagsisilbing inspirasyon sa kanyang buhay at showbiz career. Okay na okay naman daw ang estado ng kanilang espesyal na “pagkakaibigan.”

“Happy! Happy lang. I get to talk to him about work,and things like that,” sabi ni Janine.

Samantala, nagsimula nang umere kahapon ang pinag-uusapang serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang “Dirty Linen” na second project ni Janine pagkatapos ng matagumpay niyang Kapamilya series na “Marry Me, Marry You” katambal si Paulo.

Super excited na raw si Janine na mapanood ng madlang pipol ang “Dirty Linen” kung saan kasama niya ang mga iniidolo niyang artista.

“Ang laki ng pasasalamat ko, dahil ramdam na ramdam ko ‘yung alaga ng Dreamscape and ABS-CBN. And I’m so grateful to the point na medyo surreal talaga siya for me. Kasi dati, pangarap lang ‘to na ganito katapang na kuwento with this kind of cast. Hindi mo akalain na makakabuo ng ganito. So, thank you talaga,” saad ni Janine.

“Masaya! Sobrang saya ko. Like grabe naman kasi talaga ang cast ‘di ba? Hindi ko talaga mawari na mapapabilang eko sa ganito,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial