Jane de Leon, may isyu?

May mga kumakalat na tsismis ngayon na mukhang may isyu umano ang aktres na si Jane de Leon kay Asia’s Songbird Regine Velasquez dahil sa isang hindi natuloy na gagawin sa “Mars Ravelo’s Darna” TV series.

Sa isang programa ng beteranang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin, sinabi nito na may narinig siyang balita na isa umano si Regine sa isasama dapat sa finale ng Darna.

“Meron akong nahagip na kuwento na dapat pala, e, si Regine Velasquez ang ay makakasama rito. Tinawagan daw si Regine, okay walang kaarte-arte. Ang nag-inarte raw ay itong si Jane de Leon,” sabi ni Nay Cristy.

Si Regine ay gumanap bilang Darna sa pelikulang “Captain Barbell” na ginampanan ni Sen. Bong Revilla, Jr., taong 2003.

“Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna, walang kaabog-abog na nu’ng sinabihan ng produksyon si Regine, umoo agad, nagbigay ng sched at walang tanong kung magkano ang TF (talent fee). Sa kasamaang palad, hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon (natawa si nanay) nagpaimportante, gusto ng hitad body double na lang daw ang iharap kay Regine tapos mag-chroma na lang kesyo maraming dahilan ang babae. Kaya hindi pumutok ang Darna dahil hindi minahal ang leading lady. Hindi man lang niya nakuha ang magandang working attitude nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Ah, kaya naman pala,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial