Glaiza de Castro, ikinasal uli

Talagang maningning ang naging second wedding ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ng kanyang Irish husband na si David Rainey na ginanap sa Sundowners Beach Villas sa Botolan, Zambales nitong Lunes na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Unang nagpakasal ang mag-asawa sa isang intimate ceremony sa Northern Ireland noong October, 2021.

Talagang plano na ng married couple na magkaroon ng second wedding sa Pilipinas dahil hindi nga naka-attend ang pamilya ng aktres sa kanyang Ireland wedding.

Talagang nagmukhang-dyosa si Glaiza sa suot niyang modern Filipiniana-inspired wedding gown na ginawa ng sikat na fashion designer na si Jo Rubio.

Parehong may flower embroidery ang bustier top at butterfly sleeves ni Glaiza habang ang “tulle fabric” na tumatakip sa bandang ibaba ng kanyang katawan ay nagbibigay ng ilusyon ng isang two-piece gown na may thigh-high slit.

Kabilang sa mga nagsilbing ninong at ninang sa kasal ay ang TV host na si Willie Revillame at ang GMA executive na si Annette Gozon-Valdes.

Naroon din si Angelica Panganiban na naging Maid of Honor, at sina Alessandra de Rossi, Isabel Oli-Prats, Chynna Ortaleza, Rochelle Pangilinan at Sheena Halili na nagsilbing bridesmaids.

Um-attend din ang asawa ni Chynna na si Kean Cipriano, Maxene Magalona, pati na ang mga kasamahan ni Glaiza sa “Running Man PH” na sina Ruru Madrid kasama ang dyowang si Bianca Umali, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Mikael Daez, Angel Guardian at Buboy Villar.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial