Catriona Gray, fangirl

Hindi na naitago ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang kilig nang muli silang magkasama ni Ne-Yo sa stage sa ginanap na concert nito nakaraan at talagang kalat na kalat sa social media ang video clip ng kanyang pagpa-fangirl sa American R&B superstar.

Kitang kita sa naturang mga video na labis ang nadaramang saya ni Catriona dahil nakita niya ito ulit lalo na’t isa rin ito sa mga happy moments na binabalik-balikan ng dalaga sa kanyang Miss Universe 2018 journey.

Bukod sa video sa social media ay nag-post ring ang beauty queen sa kanyang Instagram account patungkol sa kanyang naging concert experience.

“Obviously had the best night ever last night at the @neyo concert in Manila! I actually watched him in concert in SM MOA back in 2010 [I’m] such a faaaan. Tapos backstage at MU2018, I was too shy to say hi,” sabi ni Catriona.

Dagdag pa niya, noong magkaroon ng pagkakataon na makaakyat siya sa stage at mas makita upclose ang kanyang hinahangaang singer.

“Neyo asked for members from the audience to dance, syempre hindi ako dancer! But then everyone around me was pointing to me and, taking notice, one of the stage managers picked me to take me to the stage. Kinabahan ako tulooooy,” kwento pa ni Catriona.

“Pero ang alam ko….I can’t dance but I know how to WUAALLKKKK.”

Sa naturang viral video nga ay noong siya na ang kausapin ni Ne-Yo ay proud na proud na ibinahagi ng dalaga na nagsama na sila noon sa stage nang maging isa ito sa mga guest artists na nag-perform sa Miss Universe 2018.

“My name is Catriona and I actually walked with you in Thailand. I won Miss Universe,” all smiles niyang pagpapakilala sa singer na naalala naman siya.

At kahit hindi marunong sumayaw ay isang malupit at pamatay na lava walk nga ang ginawa ng beauty queen sa stage na ikinahiyaw ng audience.

Pinuri pa nga ni Catriona ang matagumpay na concert ni Ne-Yo na itinutiring niyang isa sa mga “highlight” ng kanyang taon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial