Rabiya Mateo, proud sa biniling bahay

Masayang-masaya si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo nang ipakita niya ang kanyang nabiling bahay sa Iloilo para sa kanyang pamilya at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang video ng kanilang bahay at nagkaroon pa siya ng mensahe para sa mga breadwinner na katulad niya.

Naging emosyonal din ang beauty queen-actress at inalala ang mga panahon na wala pa silang permanenteng tahanan at palipat-lipat ng lugar.

“Nandito ako ngayon sa labas ng kakabili ko lang na bahay para sa pamilya ko sa Iloilo and actually, medyo…I’m kind of getting emosyonal kasi parang looking back then, it’s so impossible for us to have a property kasi nagre-rent lang kami tapos no permanent address din,” sabi ni Rabiya.

“Nakailang lipat na kami and God has been so good to me and to my family at sa lahat ng blessings na pumasok talaga. God is so good,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ni Rabiya na target niyang pagandahin pa lalo ang kanilang bahay.

“So hopefully, in the coming years, mas maganda pa, mapaganda pa namin ‘yung bahay na ‘to,” sabi pa ng dalaga.

Sa bandang huli ay nagbigay siya ng inspirational message, lalo na sa mga taong bumubuhay ng kanilang pamilya at nagtatiyaga upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

“Kaya sa mga breadwinners diyan, alam kong mahirap especially minsan nakakapagod din na maraming tao ang umaasa sayo but use that fuel to strive harder talaga kasi sobrang sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo,” saad ni Rabiya.

Maraming celebrities at kapwa-beauty queens naman ang napa-comment sa kanyang post at masayang-masaya sa na-achieve ni Rabiya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial