Maureen Wroblewitz, may nilinaw

Nilinaw ng beauty queen-model na si Maureen Wroblewitz ang kanyang mga pahayag sa nakaraan niyang video na tinatalakay ang kanyang “trauma” experiences sa nakalipas na relasyon.

Kung matatandaan, inilabas niya ang nasabing video at may nakasulat pang “When you learn to prioritize yourself” at sinabi rin niya na dahan-dahan niyang binubuo ulit ang kanyang sarili na nawala noong nasa relasyon siya.

Dahil sa post na ‘yan ay iniuugnay na ng maraming netizens na tungkol ito sa ex-boyfriend na si Juan Karlos.

Sinagot naman ‘yan ng beauty queen nitong January 22 at nilinaw na hindi lang isang tao ang tinutukoy niya sa video.

“I am here to say that there is no tea to spill. I’m sorry to all the Marites. I don’t think that’s fair because I don’t think that I cannot just blame one person,” sey ni Maureen.

Sinabi niya rin na ang intensyon niya sa uploaded video ay ibahagi lang ang kanyang mga natutunan mula sa mga naging karelasyon.

“The point of my video wasn’t to throw shade but it was focusing on all the things that I have learned from my relationship,” saad ng model.

Aniya, “As I have said in the caption, I have lost a big part of myself and I am only now starting to realize who I am and what I want.”

Ikinuwento rin niya na marami siyang sakripisyo sa bawat relasyon at ngayon lang niya napagtanto na mas kailangang mahalin ang sarili.

“In my past, I have sacrificed my beliefs and values and I did things that I didn’t like. I enabled behaviors that I didn’t like. I became someone who I dislike and I was that because I was so focused on pleasing my partner that I forgot about myself,” kwento niya.

Patuloy pa ni Maureen, “I wasn’t assertive enough. I did not take accountability for what I want and I’m just learning that, I was doing that for years.”

Pinaalala din niya sa kanyang manonood na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang toxic traits, pero ang mahalaga ay ‘yung pagbabago na gagawin ng isang tao para rito.

“Also a reminder that everybody has toxic traits. But what is important is that we’re aware of them and we’re willing to change for the better. From my experience, I have learned so many things I have found out, a lot of things about myself and things that I want for my next relationship,” sabi ni Maureen.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial