Ellen Adarna, may sikreto

Ibinahagi ng actress-model na si Ellen Adarna ang sariling opinyon at sikreto para sa matagumapay na relasyon sa kanyang Instagram Stories at isa na nga riyan kung paano magkaroon ng matagumpay na relasyon, lalo na sa mga edad na late 20s.

Ayon sa aktres, para sa kanya ay dapat parehong maging maintindihin at may respeto sa isa’t-isa.

“For me, if both parties could be both one way, willing to grow and learn and understand and respect each other’s space and boundaries, then that’s a good start,” sabi ni Ellen.

May gusto ring malaman kung ano raw ang ambag ni Ellen sa bahay ng kanyang mister na si Derek Ramsay dahil nagsasama sila sa iisang bubong.

“My presence and existence,” sabi ng aktres.

At siyempre dahil bagong taon na, may nagtanong kung ano pa ba ang kahilingan ni Ellen sa kanyang buhay.

Agad naman siyang sinagot ng aktres at binanggit na para sa kanyang anak na si Elias at mister ang kanyang wish.

“My only wish is peace, harmony, and balance and for Elias to grow up okay and strong and for my husband to have zero pains in his body,” saad niya.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay muling ikinasal sina Ellen at Derek sa Peru at tinatawag itong “Peruvian despacho ceremony.”

Ang nasabing kasal ay kasabay ng kanilang first wedding anniversary.

Matatandaan noong February 2021 ay kinumpirma ng dalawa na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Matapos ang isang buwan ay nag-propose na ng kasal si Derek kay Ellen at noong November 2021 ay ikinasal na ang dalawa sa Bataan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial