Bayan ng Naujan, isinailalim sa state of calamity

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Najuan sa Oriental Mindoro na nakasailalim na ang kanilang bayan sa state of calamity dahil sa lawak ng pinsala ng isang buwan nang pagbaha na nararanasan.

Nitong Lunes ng umaga umano pinagtibay ng Sangguniang Bayan ang resolusyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Council na nagpapadeklara sa bayan ng Naujan sa state of calamity.

Sa tala ng MDRRMO, 47 barangay sa bayan ng Naujan ang nalubog sa baha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line.

Umaabot na sa 5,299 na households or 19.34 porsiyento ng populasyon ng Naujan ang apektado ng baha at nangangailangan ng tulong.

Nasa P77,832,739.60 na rin ang halaga ng pinsala sa agrikultura na kinabibilangan ng palayan, gulayan, fishponds, poultry at iba pang alagang hayop.

Tinatayang nasa P140,641,500 naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.

Noong Disyembre 19, 2022 pa nagsimula ang matinding pagbaha sa bayan ng Naujan kung saan umapaw ang Mag-Asawang Tubig River dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial