AJ Raval-Angeli Khang rivalry?

Mayroon palang mga usap-usapan na ang Vivamax bombshells na sina AJ Raval at Angeli Khan gang naglalaban ngayon sa trono bilang box-office queen ng Vivamax ayon na rin sa mga big bosses nito.

Ayon kay Vincent del Rosario, talagang nakuha ng online platform ang panlasa ng mga Pinoy kaya naman talagang number one na sila sa buong bansa.

At nitong nakaraan ay ilo-launch na ang Viva Prime sa January 29 kung saan mas marami pang pelikula at iba pang bonggang content ang maaaring mapanood mula sa library ng Viva Entertainment.

Nang tanungin kung sino ang box-office queen ng Vivamax, sinabi ni Vincent na “naglalaban sina Angeli and AJ.”

Unang bumida si AJ sa Vivamax Original sexy-comedy movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Porn Star” habang si Angeli naman ay ipinakilala sa psychological thriller na “Taya.”

Samantala, nag-explain naman ni Ronan de Guzman, SVP at COO ng Vivamax kung ano ang kaibahan ng Viva Prime at ng Vivamax.

“All our contents offerings are found in the Vivamax mobile app and website. Inside our service will be two doors— Max which is for more risqué and mature content while Prime will cater to a general audience. The distinction is being made on the platform in order to further enhance existing parental controls on Max content while allowing ease of use for the general patronage of Prime content,” sabi ni De Guzman.

Nilinaw din niya ang perception ng marami na baka raw hindi mapanood sa Viva Prime ang mga artistang sumikat sa mga Vivamax Original movie at series tulad nina AJ Raval at Angeli Khang.

“I think, with the right roles, oo naman,” paniniguro ni Vincent na mapapanood sa Viva Prime ang sexy stars ng Vivamax.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial