Julie Anne San Jose, humble

Mabilis na sinagot ng aktres at singer na si Julie Anne San Jose ang isang post ng netizen na kinukumpara siya sa batikang aktres na si Judy Ann Santos dahil ayon sa netizen, mas magaling umanong umarte si Julie Anne kaysa kay Juday.

Ayon sa dalaga, marami pa siyang pagdadaanan bago lagpasan ang husay ng batikang aktres.

“I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako. Marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat,” sabi ni Julie Anne.

Dahil diyan ay maraming fans ang humanga sa kanyang pagiging humble.

“We love you Julie (red heart emojis) napaka humble mo sobra at napakabait pa.”

“Tigilan niyo si jules mabait na bata at hindi nakikipag kompetensya kahit kanino yan! gumagawa pa kayo ng account para masira siya!”

“Most humble artist. We love you, Lodi Jules.”

Noong nakaraang linggo ay natapos na ang kwento ng “Noli Me Tangere” sa award-winning primetime series ng GMA 7 na “Maria Clara at Ibarra”.

Simula January 23 naman ay magsisimula na ang bagong kabanata ng teleserye, ang “El Filibusterismo.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial