Jennylyn Mercado, hindi nag-enjoy

Inamin ng aktres na si Jennylyn Mercado na hindi niya umano na-enjoy ang pagiging isang ina noong isinilang niya ang kanyang unang anak

Ang anak na si Jazz kay Patrick Garcia ay nasa pangangalaga ni Jennylyn samantalang co-parenting naman sina Dennis at Carlene Aguilar-Ocampo sa anak nilang si Calyx Andreas na kinse anyos na ngayon.

Ayon sa aktres, na nae-enjoy niya ngayon ang magiging mommy ni Baby Dylan dahil hindi niya ito naranasan noon sa panganay niyang si Jazz.

“Mas binibigyan ko pa ng time ‘yung motherhood, si Dylan, and ‘yung family. Nu’ng first time ko magkaroon ng baby, si Jazz, hindi ko masyadong na-enjoy ‘yung motherhood. Kasi parang two months pa lang, kailangan ko bumalik sa work. So, this time, sabi ko hindi ko pwede gawin iyon ulit. Kailangan ko muna mag-focus sa motherhood,” sabi ni Jennylyn.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial