Janine Gutierrez, ayaw sa pageant

Aminado ang aktres na si Janine Gutierrez na hindi para sa kanya ang pagsali sa mga beauty pageants dahil mas nais niyang mag-artista.

May mga nagsasabi kasi sa dalaga na sana’y subukan na niya ang mag-join sa Miss Universe Philippines at baka siya lang ang hinihintay para maiuwi muli ng Pilipinas ang titulo at korona.

“I’m flattered, im so-so flattered, salamat sa lahat ng mga naniniwalang kaya ko doon,” sagot ni Janine. At isang mabilis na “Wala” ang naging sagot niya kung may pag-asa bang sumali siya sa isang beauty pageant.

“Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto ko pong umarte,” ani Janine.

Samantala, mapapanood na sa darating na January 23 ang bagong Kapamilya series na “Dirty Linen” kung saan makakasama rin ni Janine sina Zanjoe Marudo, Seth Fedelin, Francine Diaz, Tessie Tomas, Joel Torre, John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino at marami pang iba.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial