Ava Mendez, engaged na?

Kumakalat ngayon sa social media ang mga balitang nagpropose na umano

ang Ex-Battalion member na si Skusta Clee sa kanyang rumored girlfriend na si Ava Mendez.

Sa isang video na kumakalat na ngayon, makikita ang rapper na galing sa pagkakaluhod at saka mabilis na niyakap ang dalaga at talagang masaya umano ang dalawa habang magkayakap at kapansin-pansin rin ang mga kaibigan nila sa paligid na talagang masaya rin para sa kanilang dalawa.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa TikTok video lalo na’t sanay na ang ilan sa “pabago-bagong babae” ng rapper.

Ayon naman sa ilang mga netizens, baka umano three months lang at hindi raw aabot ng isang taon dahil for sure ay papalitan na raw ng lalaki si Ava kapag nagsawa ito gaya ng ginawa nito sa social media personality na si Aira Lipata.

Matatandaang si Aira ang hinihinalang “third party” noon sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Skusta at Zeinab Harake.

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa kanila kung ano nga ba talaga ang “real score” sa pagitan nilang dalawa ngunit kapansin-pansin na magkasama ang dalawang nag-celebrate noong nagdaang Pasko.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial