Mikee Quintos, may doubts

Aminado ang aktres na si Mikee Quintos na hindi niya naiwasang magkaroon ng doubts nang sagutin niya ang kanyang boyfriend na si Paul Salas at ayon sa dalaga, nakita niya ang kaniyang lakas sa pagiging single.

“Sa 25 years ng life ko, and sa experiences ko, nakakuha na ako ng strength doon sa mga naa-achieve kong mag-isa. Meron akong belief na if I put in the hardwork and if I trust myself, kaya ko, may ma-a-achieve ako, and meron na pong mga bunga ‘yon in my career, in my life,” paliwanag ni Mikee.

“Pero being with someone, and committing yourself, you’re investing time, feelings, effort, you’re investing a lot of yourself when you go into a relationship. Nahihirapan ako sa part na ‘yun, natatakot akong mawala ‘yung strengths na nahanap kong mag-isa kapag nag-fully commit ako and binuksan ko ‘yung sarili ko sa partner and sa relationship,” dagdag niya.

May isang taon na ngayon ang relasyon nina Mikee at Paul.

“We’re very open naman, it’s something we want to keep in the relationship. Kahit na random thoughts, bago lumaki, instead na mag-isa, we face it together, we talk about every thing as much as possible,” ayon sa dalaga.

Aprubado rin daw si Paul ng mga magulang ni Mikee, lalo sa kaniyang ama.

“Actually we did a vlog recently na isa ‘yun sa questions ko sa kaniya (kaniyang tatay). Tapos napalabas ko sa kaniyang medyo gusto naman niya talaga si Paul daw,” saad ni Mikee.

Katunayan, pinapayuhan pa sila ni Paul ng kaniyang mga magulang pagdating sa relasyon.

“Sa past relationships ko kasi, ngayon ko lang nakita na ganito ka-involved ‘yung parents ko sa relationship ko, nafi-feel kong iba eh, iba ‘yung treatment nila sa kaniya,” sabi ni Mikee.

“Hindi naman sa iba, pero I think they trust me more now,” patuloy niya.

“Kahit sa problems namin, ‘pag hindi kami okay. Or kunwari may arguments kaming hindi namin maayos, tumutulong ang mga magulang ko. May ganu’ng relationship between them. ‘Yun ‘yun bago talaga sa akin. Honestly nakakatakot for me. Meron akong takot na nafi-feel sa gano’n pero at the same time ‘yung belief ko rin siguro, ‘yung faith ko kay God, ‘yung nagbibigay ng lakas ng loob na it feels right din kahit nakakatakot. I think it’s what He wants to happen,” saad ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial