Maureen Wroblewitz, na-trauma

Aminado ang beauty queen-model na si Maureen Wroblewitz na talagang na-trauma siya sa kanyang nakalipas na relasyon at sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang ilang mga detalye ukol sa kanyang dating relasyon kung saan unti unti ay naramdaman niyang hindi na siya tulad nang dati.

Makikita si Maureen sa video clip na nili-lipsync ang bagong kanta ni Miley Cyrus na “Flowers” na uploaded nitong Biyernes at nakasulat pa sa mismong video, “When you learn to prioritize yourself.”
“I’ve never really spoken about my past relationship, but this song really speaks to me. That’s the thing about being in a public relationship, no one really knows what happens behind closed doors,” saad ni Maureen.

“I have lost myself over the past few years and I’m finally realizing who I really am. I am working on myself and healing from past trauma because I don’t want to make the same mistakes. Maybe one day I’ll be ready to speak about it because I know it could help a lot of people,” dagdag pa niya.

Marami naman sa mga netizens ang tila iniuugnay sa naturang post ang pangalan ng dating boyfriend ni Maureen na si Juan Karlos.

“The focus of this Tiktok is not my ex but my personal experience! I’ve been dealing with mental breakdowns because of my past experience for [eight] months. I gave so much of myself, I had nothing left.
I’m still in the process of realizing all my past mistakes, red flags, etc., so I don’t bring it into my next relationship,” depensa naman ni Maureen.

Taong 2017 nang magsimula ang relasyon ng dalawa at niyo nga lang June 2022 nang aminin nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial