Julie Anne San Jose, pinuri

Umani ng papuri ang aktres na si Julie Anne San Jose sa kanyang pagganap sa paghihinagpis ni Maria Clara sa pagkawala ni Crisostomo Ibarra sa “Maria Clara at Ibarra” sa latest episode nito.

Sa latest episode ng hit historical portal fantasy series Martes ng gabi, napanood ang paghihinagpis ni Maria Clara nang matagpuan ang rosaryong ibinigay niya kay Crisostomo at talagang all-out na pag-arte ng dalaga sa eksena nila ni Juancho Trviño, na gumaganap bilang si Padre Salvi.

Nagka-goosebumps ang netizens matapos mapanood ang eksena.

Nag-trend din si Julie Anne sa Twitter Philippines Martes ng gabi.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial