Alice Dixson, may ibinahagi

Ibinahagi na ng aktres na si Alice Dixson ang pinagdaanan niya para sa kanyang motherhood journey.

Kung matatandaan, April 2021 nang ihayag ng 53-year-old actress na isa na siyang ganap na ina at kapiling na niya si Baby Aura na nabuo sa pamamagitan ng “surrogacy.”

Sa isang YouTube video upload ay nakapanayam ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo si Alice at doon niya ikinuwento ang ilan sa mga karanasan niya bilang first time mom.

Ang unang itinanong pa nga ng doktora ay kung matagal nang plinano nina Alice at ng kanyang asawa ang pagkakaroon ng anak.

“Matagal na. The process was almost 10 years in the making…It came to a point that I’m turning 50 soon. Actually, I’m in my late 40s na and I’m like, hindi pa kami nakakabuo. So sabi ko, ‘okay let’s try Vicky’s doctor’,” saad ni Alice.

Dagdag niya, bagama’t mas nanaisin niyang siya na mismo ang magbuntis sa anak ay kinumbinse pa rin siya ng kanyang mister na gawin na lang ito sa pamamagitan ng surrogacy dahil na rin delikado ito sa kanyang edad.

“For me, I think I could have done the journey. But it was my partner who said ‘you know, let’s try a surrogate this time kasi parang you’re getting up there in age’ and for me, I said, ‘okay fine’ kasi I can also work. It has benefits also but kung ako ang papipiliin, I’d rather have carried my daughter myself,” sabi ng aktres.

Ibinahagi rin ni Alice na mahirap maging ina lalo na’t mayroon na raw siyang edad.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial