Maja Salvador, super proud

Proud na proud ang aktres na si Maja Salvador ngayong nabigyan siya ng “star” sa 17th Eastwood City Walk of Fame.

Kasama pa niya ang ilang sa mga tinitingala at sikat na mga personalidad at celebrities, tulad nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, National Artist na si Ricky Lee, at ang magkapatid na internet sensations Ranz Kyle at Niana Guerrero.

Sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga ang ilang litrato sa nasabing espesyal na event at makikitang kasama pa niya ang kanyang fiance na si Rambo Nunez.

“Ang magtrabaho at malagay sa hanay ng mga iniidolo ko, at mga haligi ng industriya, ay isang karangalan na papahalagahan ko magpakailanman (star emoji)” sabi ng dalaga.

“Maraming maraming salamat sa regalong ito sa aking 20th year sa showbiz (yellow heart emoji),” dagdag pa niya.

Ilan pa sa mga nakatanggap ng “star” noong January 18 ay sina ABS-CBN news journalist Mario Dumaual, singer Janet Basco, at radio broadcaster Gerry Baja.

Binigyan naman ng posthumous recognition ang National Artist for Theater na si Tony Mabesa na pumanaw noong October 2019.

Ang TV at movie icon na si German Moreno ang nagpasimuno ng Eastwood City Walk of Fame na ginaya sa “Hollywood Walk of Fame” sa Amerika.
Nang sumakabilang-buhay si Kuya Germs, ang kanyang anak na si Federico Moreno ang nagpatuloy ng kanyang adbokasiya.

Sa ngayon, ang “German Moreno Walk of Fame Foundation” ay meron nang mahigit 300 personalities mula sa iba’t ibang larangan, tulad ng TV, film, music, sports at news.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial