Kat Alano, may hugot

May panibagong hugot ang TV host-model na si Kat Alano sa kalagitnaan ng mga talak patungkol sa ginawa ni Alex Gonzaga na pagpahid nito ng cake sa isang waiter noong kanyang birthday celebration kahit na nag-sorry na ito.

Sinabayan kasi ni Kat ang pagkakataon at pagiging hot topic ni Alex para makapaglabas ng kanyang opinyon o saloobin.

Sa kanyang Twitter account ay tila may hugot siya sa kasagsagan ng pambabatikos at pagkastigo ng madlang pipol kay Alex.

“People will cancel you for cake but celebrate you for rape,” saad ni Kat sa kanyang tweet.

Umani naman agad ito ng reaksyon mula sa mga netizens dahil tila pinapatutsadahan niya ang TV host-comedian na si Vhong Navarro. Matatandaang recently ay nagbalik sa “It’s Showtime” matapos ang ilang buwang pagkawala buhat nang arestuhin siya para sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

“Kat stop it.. You want everyone to sail with you, be a captain.. You can still file a case,” saad ng isang netizen.

Marami rin ang tila nagsaway sa model-host at sinabing may proper way para ma-address ang kanyang problema at hindi ito mareresolba sa public trial gaya ng kanyang ginagawa


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial