Francine Diaz, may BF na?

May ilang mga netizens ang naniniwala na may BF na ang young actress na si Francine Diaz at ito nga ay ang aktor na si Seth Fedelin.
Nitong nakaraan kasi ay sinagot na nina Francine at Seth ang tungkol sa napapabalitang nagkakamabutihan na raw sila ngayon.

Ang paniwala kasi ng ilan nilang supporters ay hindi lang sila basta friends dahil nag-level up na raw ang kanilang relationship status na nagsimula nga nang magtambal at gawin nila ang “Dirty Linen.”

Natanong si Seth sa nasabing mediacon kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nila ni Francine na first time niyang makakatambal sa isang teleserye.

“Sobrang saya kasi kaibigan ko itong si Francine, e. Kaibigan ko, dati…” ang nakangiting pahayag ng binata.

“Saka na siguro,” natatawa nitong sabi. Aniya, itinuturing niya ang dalaga bilang “best friend.”

“Matalik kong kaibigan talaga itong si Francine. Happy ako dahil nagwo-work kami. Nagiging team kami kapag nasa set na kami. And kahit wala sa set,” paliwana ni Seth.

Feeling proud and pressured daw ang bagong Kapamilya loveteam sa una nilang project as screen partners pero ginawa raw nila ang kanilang “best” para hindi mapahiya sa Dreamscape Entertainment at sa manonood.

Sabi ni Francine tungkol sa napakainit na pagtanggap ng mga fans sa tandem nila ni Seth, “We wouldn’t say na sobrang lakas kasi first time po namin ito (as love team) na magkasama sa isang show. Pero siyempre grateful po kami sa love and support nila.”

Unang nagkatrabaho ang dalawang bagets sa ABS-CBN series na “Kadenang Ginto” at “Huwag Kang Mangamba” pero ang partner pa noon ni Seth ay si Andrea Brillantes habang si Kyle Echarri naman kay Francine.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial