Elisse Joson, okay na kaya?

May mga kumakalat na balita ngayon na nagkabalikan na umano ang celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon dahil nakita umano ang dalawa sa shooting ng isang proyekto.

May mga balita rin kasi na hanggang matapos raw ang naturang shooting ay nandoon si McCoy kahit hindi naman siya kasali at bitbit pa nito ang mga gamit ng aktres.

Ayon sa ilang mga netizens, mukhang sinusuyo ng aktor ang dati niyang karelasyon at ina ng kanyang anak.
Kung true man ang balitang ito ay good news lalo na sa para sa kanilang baby na si Felize McKenzie.

Matatandaang nitong buwan lang nang aminin ni McCoy na tuluyan na silang naghiwalay ni Elisse sa isa sa kanyang Instagram story at matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang anak.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial