RR Enriquez, sawsaw uli

Hindi talaga nagpaiwan at sumawsaw na rin ang tinaguriang Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa issue ni Alex Gonzaga at sa kanyang IG ay ipinagtanggol niya ang aktres at ibinahagi rin niya ang kanyang reaction sa ishinare niyang  post about Alex’s husband describing the sister of Toni Gonzaga as “very generous” and “very loving”.

“Sawsaw sawsaw!! Can’t wait to vlog but let me comment in this one first It’s sooooo easy to judge someone base on what we saw on social media… Or based on the mistakes na nagawa nya… Sometimes yung kabaitan or tulong na nagawa ng tao nakalimutan na dahil mas gusto mag focus sa mali na nagawa nila… Sa totoo lang hindi madali maging komedyante… Ralate ako minsan kay Alex Kasi minsan talaga sa sobrang kulit mo at gusto mo magpatawa lang naman, akala mo nakakatawa ka pa, yun pala offensive na sa iba. “But your intension naman is not to harm or mamahiya ng tao,” sabi ni RR.

“I honestly didn’t see anything wrong sa pag pahid ng cake… Kapag birthday mo you have the right na mag pahid ng cake or worst ikaw ang pahiran at hindi ka pwede magalit. Pero totoo na you can only do that sa mga ka close mo,” dagdag niya.

Ang feeling ni RR, masyadong pinalaki ang issue.

“Ang dami din kasi sensitive na tao na pinapalala ang situation. My goodness pero kapag si Alex ang ginawang katatawanan or kaming mga komedyante gawin katatawanan tuwang tuwa kayo. Yes trabaho namin yun and we are paid to do that and yung waiter hindi. Tama naman. But minsan kailangan din natin lawakan ang isip natin hindi lang puro bash. Alex is also a human being minsan may mga spontaneous act kami nagagawa na hindi na talaga nakakapag isip ng tama basta alam mo para sa sarili mo nakakatawa sya…. You don’t know the person personally… Good thing anjan ang husband nya to protect her and tell us kung sino ba si Alex behind closed doors… I’m sure may bad attitude din yan si Alex pero bakit tayo wala ba!!!!?” sabi ni RR.

“But as a comedienne we can’t always use the word gusto ko lang magpatawa. Sometimes we need to grow up and mature also. I’m sure matututo na din si Alex kumalma ng konti at uminom muna ng mga gamot bago mag patawa CHAROT. I can relate kasi.. Nung nag trending ako sa Busina prank.. Bago ako mag patawa ngayon at mag post nag iisip na ako at umiinom muna ako ng gamot pang pakalma CHAROT,” dagdag niya.

“But again please stop judging her or us na mga nagkamali dahil lang gusto namin magpatawa at dahil hindi kami nag iisip ng tama. Yung mga basher na yan sure ako sila yung mas masasama ang ugali na feeling perfect na akala mo never nakagawa ng mali sa buhay nila….Peace yow,” sabi pa ni RR.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial