Mga aral na natutunan

Nitong nakaraan lamang ay binigla ang buong mundo sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI at ayon sa mga nagbigay-pugay sa dating Santo Papa, maraming aral siyang ibinahagi lalong lalo na sa mga Pinoy na talaga namang sarado-Katoliko.

Sa pagtutok ng buong mundo sa libing ng yumaong Santo Papa noong ika-5 ng Enero, marami ang nalungkot at nakaramdam ng pagkaulila.

Kasama sa nagpaabot ng pakikipagdalamhati ang mga Pilipino na dumalo sa Requiem Mass na pinamunuan ni Pope Francis at Cardinal Giovanni Battista, Dean of the College of Cardinals sa St. Peter’s Square.

Para sa mga Pinoy na pinalad na makadalo sa libing ng Santo Papa, hindi raw nila ito malilimutan habangbuhay.

“Ang naalala ko kay Pope Benedict, tagos sa puso ‘pag nagsalita wala pong paligoy-ligoy yan,” sabi ng isang Pinoy na dumalo sa misa.

“The magnanimity of the experience is there and it makes you feel grounded. We have studied this and then we are experiencing it,” sabi ni Fr. Reupert Garcia, Archdiocese of Capiz, student-priest.

“I came from an island in Sardinia. Being there is being part of the Catholic church. Being there means representing my parish,” sabi ni Fr. Fritz Tohoy, Vice-Parish priest sa Sardinia.

Walang duda na malaki ang impluwensya at kontribusyon ni Pope Emeritus Benedict XVI sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Kaya ang mga pari at seminaristang Pinoy, maraming binabalikang kuwento.

Matapos ang libing, nagkaroon ng maliit na pagtitipon ang mga pari at seminaristang Pilipino na nasa Italya sa opisina ni Amabassador Myla Macahilig sa Philippine Embassy, The Holy See.

Mula pa noong kanyang kabataan, ginugol na niya ang kanyang panahon sa paglilingkod sa Panginoon. Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan siya ng mga malalalim na mga turo na nagpalapit pa sa maraming mananampalataya sa diyos at simbahan.

Naging Santo Papa ang Aleman at dating Cardinal Joseph Aloisius Ratzinger noong April 19, 2005. Siya ang ika-16 na Santo Papa na gumamit ng regnal name na ‘Benedict’ mula sa salitang Latin na “benidictus” na ang ibig sabihin ay “the blessed.”

Pinili niya ang pangalang ito bilang pagpugay kay Pope Benedict XV at Saint Benedict ng Nursia. Sa edad na 78 inihalal siya ng College of Cardinals kapalit ng namayapang Saint Pope John Paul II.

Nawa’y maisabuhay nating lahat ang diwa at aral na iniwan ni Benedict XVI tungo sa isang matiwasay at mapayapang buhay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial