Janella Salvador, nagluluksa

Nagluluksa ngayon ang aktres na si Janella Salvador sa pagpanaw ng kanyang alagang pusa na si Twinkie at sa kanyang IG ay ibninahagi ng dalaga ang malungkot na balita patungkol sa alaga.

17 years nang nasa pangangalaga ni Janella si Twinkie dahil regalo pa ito sa kanya ng inang si Jenine Desiderio noong ika-8th birthday niya.
“The hardest part about loving animals is knowing that you’re bound to outlive them,” sabi ni Janella.

Inilahad rin niya kung gaano siya na-love at first sight kay Twinkie nang makita niya ito sa isang pet shop.

“I found him at a petshop in Pasay and fell in love so fast that I didn’t want to leave him behind and wait for my birthday. He was the perfect cuddly gentle cat anyone could ever dream of,” kuwento ni Janella.

Nagpasalamat rin ang aktres sa kanyang yumaong alagang pusa at ipinangakong hindi niya ito malilimutan.

“Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever,” sabi pa ni Janella.

Saad ni Iza Calzado,”I am truly sorry for your loss, Jea.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na namaalam ang aktres sa kanyang alagang hayop dahil last year lang nang pumanaw ang kanyang alagang aso.

July 2022 nang pumanaw ang alagang aso ni Janella na si Max na siyang naging kasa-kasama niya noong mga panahong malungkot siya at itinuring na ring “partner in life”.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial