Dawn Chang, impressed

Nitong nakaraan ay nakapanayam ang aktres na si Dawn Chang kaugnay sa nag-viral ang flash mob ng Darna Super Soldiers kung saan ipinakita ang kanilang super powers at umani agad ng 2.3 billion Tiktok views.

“Actually, in fairness ang galing ng pag-edit nila nakakatawa. I guess I understand how they feel na probably they feel disappointed according do’n sa mga nakasulat, they have to watch the next episode para mas maintindihan nila. Kasi hindi pa nila napapanood ‘yung buo kasi isang clip lang ‘yun, very introduction. Introductory ‘yung napanood nila, so, they have to watch for Maisha (karakter niya) and they have to watch the rest of super soldiers. Actually, happy ako kasi first (scene) nila nasa akin na, so, good job, good job,” sabi ni Dawn.

Natanong rin ang dalaga kung ano na ang latest sa Darna kung saan ginagampanan niya ang karakter na si Maisha ay sekretarya ni Mayor Zaldy na ginampanan ni Simon Ibarra na nagsisilbing tenga at mata naman ni General Borgo na ginagampanan ni Richard Quan.

Base sa karakter ng kontrabidang aktres ay ano ang gusto niyang redemption at anong power ang gusto niyang manatili para matulungan ang “Darna” the series.

“Character reference ni Maisha actually have the power to manipulate people through that.  Para siyang pipe fighter, so ‘yun ang inspiration niya.

“I think this never happened in the history of Darna and I guess it’s something new, something different and a lot of people can relate because it’s dance and now a days Tiktok is number one. Very relatable, maraming nakaka-follow, this is something very new and very relatable and that’s very cool for this adaptation of Darna,” saad ni Dawn.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial