Bella Padilla, ayaw sa horror

Aminado ang aktres na si Bela Padilla na talagang ito ang unang pagkakataon na malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan sa pelikulang “Spellbound” dahil talagang duwag rin siya pagdating sa mga multo.

Kasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang bilang ibang love interest nina Victor at Yuri. Ito ay sa direksyon ni Jalz Zarate.

“We started shooting this on January 20, 2020 and first shooting day namin sumabog ang Taal and then na-declare ang first day ng lockdown because of COVID-19. Natigil ang shoot namin at hindi na kami nagkita. I went to London in July 2021 and we were able to resume the shooting only last year. And now, finally, we’re glad natapos na rin siya at ipapalabas na,” sabi ni Bella.

Sey pa ng aktres, this is the first time she’s portraying a character na parang siya rin sa tunay na buhay,

“Kasi pareho kaming duwag ni Yuri. I’m really afraid of ghosts so I avoid doing horror films. But this one, I like the material. Pero sa shoot, tinatanong ko na agad kung nasaan ‘yung mga gumaganap ng multo para hindi na ako nagugulat,” saad ng dalaga.

Kasama rin sa pelikula si Marco Gumabao at ito ang magsisilbing pre-Valentine offering ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa February 1. Iikot ang kuwento nito sa magic, mga multo at pag-ibig — isang 3-in-one entertainment combo na siguradong magpapabago ng inyong pananaw sa tunay na kahulugan ng pagmamahal.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial