Angeli Khang, nahirapan

Aminado ang Vivamax bombshell na si Angeli Khang na talagang nahirapan siya sa kanyang pinakabagong pelikula dahil dual role umano ito at first time niyang gagawin.

Ayon sa dalaga, ito na ang most challenging project na ginawa niya mula nang pumasok siya sa showbiz, ang “Bela Luna” kung saan gaganap siya ng dual role.

“Yes, I play two different characters. One is Bel and the other one is Luna. It’s a movie with two different stories about two different women who are connected with each other, much more than it seems. And of course, I cannot just reveal how they’re really connected as it will be a very big spoiler,” sabi ni Angeli.

“Most of my past movies, laging sad, laging inaapi ako, but here, as Bela, I’m portraying a strong character na hindi inaapi. She’s woman empowered so it’s something new for me,” dagdag pa niya.

Sa tanong kung kanino siya mas nakaka-relate sa dalawang karakter niya sa pelikula, kay Bela o kay Luna?

“I can relate with both of them in that they’re both brave and I think I’m brave din naman in my own way. Pero sa mga experiences na pinagdaanan nila sa movie, hindi ako maka-relate kasi hindi ko pa naranasan. Mahirap din ang movie kasi magkakaibang love scenes ang ginawa ko with Mark Anthony Fernandez, Kiko Estrada and Julio Diaz,” pahayag ng dalaga.

Pero inamin niya na mas mahirap daw gampanan si Bela.

“Kasi nga, in my past movies, ako ‘yung abused party, but si Bela is a strong woman, very talented, she stands for herself, well-educated, never nag-stammer sa pagsasalita niya. Kita ‘yung confidence niya pati sa kilay, mata, sa movements niya kaya Direk Mac is always reminding me about it. When he pitched it to me, sabi niya, anak, big project ito. Matagal namin itong pinaghandaan ni Ricky Lee. Ang gusto namin, malampasan mo ang previous performances mo. Sir Ricky Lee visits us sa set so I can see na very serious sila ni Direk sa ‘Bela Luna’, kaya nga hands on sila talaga sa paggawa nito. Ako naman, I get so inspired to always give my best in every scene,” sabi pa ni Angeli.

Sa dami ng nagawang pelikula ni Angeli sa Vivamax, kabilang na ang “Silip sa Apoy”, “Mahjong Nights”, “Selina’s Gold” at marami pang iba, siya na nga ang masasabing tunay na reyna. Ano ang reaksyon niya rito?

“Naku, ayokong isipin or i-claim. Basta ang lagi ko lang iniisip, I just have to do my best in every project they give me. Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva kasi tuluy-tuloy lang ang movies ko, which is a blessing kasi gusto ko pa mag-grow in every project that I do. Hindi naman ako mahilig sa titles na queen ng kahit ano,” saad ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial