Ria Atayde, positive ang pananaw

Nakakatuwa at positive talaga ang outlook ng aktres na si Ria Atayde at talagang ibinabahagi niya ito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng advocacy about body positivity dahil biktima rin siya ng mga haters sa social media na walang ginawa kundi ang magpasabog ng kanegahan.

Ang makabuluhan at napapanahong adbokasiya na yan ang dahilan kung bakit si Ria ang napiling pinakabagong White Castle Whisky’s 2023 calendar girl.

“I was so touched. Very excited to show to the people our campaign. Big girls don’t usually get the chance to do this. It’s really about embracing your body,” saad ni Ria. “Beauty goes in all forms and sizes. You can be wholesome and sexy. You don’t have to show more skin to be sexy. You just have to show your confidence.”

“When this was pitched to us, nandu’n din ang parents. Hinahayaan na nila ako to decide. There was no discussion anymore. Supportive silang lahat. The whole point of this calendar is really about being confident,” saad pa ng dalaga.

Ayon pa sa dalaga, sana raw ay ma-realize ng mga taong ito na walang maidudulot na maganda ang paninira at pang-aalipusta sa kapwa.

“I work out not because I hate my body but because I want to be healthy. It’s a matter of turning off the noise. People will sure have a lot to say. Love your body and everything will follow. It’s about love. Also, it’s valid na ma-conscious tayo. But you just have to turn off the noise. Things are going so well in my career. Right now, I’m enjoying how my career is going. You don’t have to follow certain timeline,” sabi ni Ria.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial