Pia Wurtzbach, napa-throwback

May binalikan ang aktres at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na na-experience niya noong siya ang naging pambato ng Pilipinas sa grandest beauty pageant.

Ayon sa dalaga, may isang pangyayari na hindi niya makalimutan noon at binalikan ang ilang mahahalagang kaganapan noong rumampa siya sa naturang international pageant, kabilang na ang naging isyu sa kanyang evening gown.

Sabi ni Pia, muntik na siyang hindi makarampa sa preliminary competition ng pageant dahil sumablay ang isusuot sana niyang gown at ayon sa kanya, isang linggo na lang bago ganapin ang Miss Universe coronation night nang dumating ang gown na ipinadala ng Binibining Pilipinas Charities.

“It was a black and white gown. I am not sure where it came from, kung anong brand. But I remember it being a size bigger and bitin,” pag-alala ni Pia.

“Nasa hallway kami ng Planet Hollywood so may mga ibang tao doon. Doon ko na sinukat kasi they are so strict that you cannot bring your team with you to your room. So you have to do it na punta ka lang sa CR, palit ka tapos labas ka ulit. Nakikita ng ibang tao,” saad niya.

“Sinukat na namin sa mezzanine and then bitin siya so hinila (ng isang team member ko) pababa, pero bumababa sa boobs. Hinihila ko pataas pero nabibitin naman sa baba. Stressed na ako. Sabi ko, ‘oh my gosh ito na ‘yun. Ilang taon ko pinaghirapan makarating (sa Miss Universe) tapos ito lang (ang mangyayari)? Naiyak ako doon sa mezzanine mismo,” dagdag niya.

“I don’t know what to do, I’m stuck. I don’t have a gown and I don’t have anything prepared. And then I got a call from Madam (Stella Araneta). She goes, ‘Okay, you can wear whatever you want. Just make sure you win.’ So sabi ko yes, yes, yes,” kuwento pa niya.

Kasunod nito, nagsimula nang maghanap ang kanyang glam team ng isusuot niyang gown sa preliminary competition dahil nga yung kanyang winning blue gown na gawa ni Albert Adrada ay hindi pa tapos.

“So, I wore Oliver Tolentino for the prelims, it was the red one. Pero alam mo even that gown, they had to pick it up from LA. I had one of my best friends drive to LA from Las Vegas, get the gown and then drive back. She got eight gowns from Oliver Tolentino just for me to try every gown to see kung ano ang puwede sa akin for the prelims,” saad ni Pia.

Yung gown naman niya para sa coronation night ay dumating lang sa Las Vegas tatlong araw bago ang competition.

 


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial