Kim Chiu, nabiktima ng fake news

Hindi pala totoo ang kumakalat ngayon sa social media na engaged na raw ang celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu, at nangyari umano ito nang magbakasyon sila sa Paris, France recently.

Si Xian mismo ang nagkumpirma na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis.

“Ay, wala pong naganap na ganu’n. Mahilig lang talaga kami to take nice pictures, ‘yung worthy i-post sa Instagram. So natuto akong umanggulo ng tama in taking our photos. But as of now, trabaho pa rin muna ang aming priority. Lalo na ngayon, I’m just starting my career as a director, so focus muna ako rito. Ang I also have a new series for GMA, ‘Hearts on Ice’, with Ashley Ortega,” sabi ni Xian.

“What is important is mahal namin ang isa’t isa. That’s what matters most. We know maraming nag-aabang when we’ll settle down. Darating din tayo dyan, but we’ll have to prepare for it muna,” dagdag niya.

Samantala, nagkuwento naman si Xian tungkol sa pagdidirek niya ng “Hello, Universe” under Viva Films.

“I’ve always wanted to direct. Even when I was just starting my acting career, part of my plan is working behind the camera as I find it very exciting. I have a very high respect for people working behind the camera. I did the indie film ‘Tabon’ for Cinemalaya in 2019 then the series ‘Pasabuy’ for an online platform in 2021. Now, I’m glad to get the chance to direct a mainstream, ‘Hello, Universe’ for Viva Films, the screenplay of which I myself wrote,” sabi ng binata.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial