Rihanna, may pasabog

Inaasahang malaking pasabog ang ilalabas ng international pop singer na si Rihanna para sa kanyang mga fans dahil naghahanda na siya para sa kanyang “2023 Super Bowl Halftime Show” na magaganap sa Pebrero sa Glendale, Arizona sa Amerika.

Sa kanyang IG, mapapanood ang isang maikling video na kung saan ay ipinapakita niya ang kanyang signature fierce walk at may suot pang berde na kapa.

Ang pagtatanghal ni Rihanna sa Superbowl ay ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay muling masisilayan sa stage matapos ang anim na taong pagpapahinga sa music industry.

Wala pang detalye sa magiging performance niya, pero ang executive producer ng show ay ang hip-hop mogul na si Jay-Z.

Taon-taon inaabangan ang magarbong halftime performances sa Super Bowl na isa sa most-watched sporting event sa mundo.

Noong October 28 lamang ay inilabas na ni Rihanna ang kanyang comeback single na “Lift Me Up.”

Ang bagong solo song ng singer ay isa sa naging soundtrack ng bagong pelikula ng Marvel na “Black Panther: Wakanda Forever.”

Taong 2016 pa nang huling mag-release ng kanta ang singer at ito ang “Love on the Brain.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial