Rabiya Mateo, may hinahanting

Nababash pala ngayon ang host at beauty queen na si Rabiya Mateo dahil ayon sa ilang mga netizens, nadamay raw ang pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Universe na si Celeste Cortesi sa “kamalasan” ng dalaga.

Kung matatandaan kasi, bigong maiuwi ni Celeste ang Miss Universe crown at hindi rin nakapasok ang dalaga sa Top 16 ng 71st edition ng Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA last Sunday.

Naging kandidata naman ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 si Rabiya at nakaabot naman sa Top 16 pero hindi na pinalad makapasok sa Top 10.

Bago lumaban si Celeste sa pageant, nagpahayag ng 100% support si Rabiya sa dalaga. Aniya sa kanyang Instagram post, “Victory is ours! 5th crown for the country Since Day 1, I saw how determined you are Babe.

“Thank you for making the country proud @celeste_cortesi!” mensahe pa ni Rabiya kalakip ang short video clip ng dalawang beauty queen habang magkasama sa isang event.

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ng Kapuso star at sinisisi nga siya kung bakit nganga si Celeste sa Miss Universe pageant.

“Gaga ka kc lakas mo mka jinxed ! ! ! ! wla tuloy tayong placement for the first time since 2010. Dinamay mo pa sa kamalasan mo si Celeste. Kaloka!” ang banat ng hater.

Hindi ito basta pinalampas ni Rabiya at humingi ng tulong sa kanyang nga social media followers na hanapin at alamin ang tunay na identity ng basher.

“Can someone help me locate this person so I can message the company she/he is working from and tell them how their employee react on social media? Name, address and full details,” saad ni Rabiya.

Kasunod nito, ipinost din ni Rabiya ang screenshot ng Instagram account ng kanyang basher sa kanyang IG Story.

“Since she went on private, let me teach this one a lesson. Can someone send me her name, address and where she/he works from? Our actions have legalities. Let me teach you a serious lesson Madame,” saad ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial