MJ Lastimosa, naba-bash

Nakalasap rin ng katakot-takot na bashing ang beauty queen-host na si MJ Latimosa kaugnay sa “pang-iiwan” diumano nila kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Matatandaang isa ang beauty queen sa mga um-attend at nanood ng live sa nagdaang 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA.

Nang hindi kasi palarin si Celeste na makapasok sa Top 16 ay napansin ng mga netizens ang tweet ni MJ.

“Balik pala ako ulit sayang ticket,” saad ni MJ sa kanyang tweet kalakip ang larawan niya na kumakain ng chocolate.

May ilang mga netizens naman ang nag-nega sa dalaga dahil hindi nila umano nagustuhan ang mga sinabi ni MJ.

“What if ikaw ate MJ ang malas? What if lang?” saad ng isang netizen.

“Kala mo naman nanalo na tong mukhang baklang to kung makapag salita, kaya ka inalis sa eat bulaga eh bwahahhahahahhaha,” ayon naman sa isa pa.

Marami pa ang nga comments kung saan huwag na raw manood ng live si MJ sa susunod na Miss Universe upang mawala ang “malas”.

Nag-tweet naman ulit ang dalaga bilang responde sa lahat ng hate messages and comments na kanyang natatanggap.

“Sobrang walang comprehension ng mga tao here huhu. Pano ko po iiwan si Celeste anjan po sya sa backstage till the pageant ends. Wala po pwedeng umalis,” sabi ni MJ. “And di rin po ako pwede sa backstage, anong gagawin ko? Juskwa kayo! Ayan zinozoom in ko pa sya.”

Nag-post rin si MJ ng kanyang mensahe para kay Celeste sa kanyang Instagram account.

“I was thinking long.. trying to find the perfect words to somehow make everything seems okay, the words to somehow filter what people say, the words to somehow comfort you, hug you and make you feel okay. And I finally did, I whispered it to your ear while the warm hug lingered, I’m glad I was able to. Nothing but thank you to you! Mabuhay ka @celeste_cortesi,” saad ni MJ.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial